Wala na umanong pag-asa ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na ibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas.
Ito, ayon sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ay dahil posibleng magmahal pa ang bigas sa susunod na taon.
Inihayag ni SINAG Chairman Rosendo So na maaaring umabot pa sa P42 ang kada kilo ng bigas sa Enero.
Ayon kay So, bagaman naglaan si Pangulong Marcos ng P4-B fertilizer subsidy, wala pang natatanggap ang mga magsasaka.
Mataas pa rin anya gastos sa pag-ani kapag walang subsidiya kaya magiging mataas din ang presyo ng bigas.
Ipinaliwanag ni So na tumaas sa World Market ang presyo ng bigas kaya’t maaaring sumabay ang mga local rice dealer sa presyo ng mga imported rice sa bansa.