Aminado ang Department of Health (DOH) na bigong maabot ang target na populasyon na maturukan ng booster sa inilunsad na ‘pinaslakas’ campaign noong Hulyo 26.
Inihayag ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na simula July 26 hanggang 31 ay nakapagbakuna lamang ng 1,984 senior citizens sa buong bansa at 195,000 individuals para sa kanilang unang booster shots.
Kung titingnan anya ang mga numero ay hindi pa sukat o hindi pa naaabot ang daily targets na 397,000 individuals.
Nagpapasaklolo naman ang DOH sa mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor at mga local government units upang paigtingin ang kampanya at magtuloy-tuloy na maabot ang target population upang mabuo ang Wall of Immunity.