Itataas ng gobyerno sa 80% hanggang 90% ang target na bilang ng mga Pilipinong mabakunahan laban sa COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., ang unang target na 70% ay hindi na sapat upang makamit ang herd immunity dahil sa banta ng delta variant.
Sinabi pa Galvez na pipilitin nila na makamit na mabakunahan ang 77 milyong pilipino hanggang sa katapusan ng taon.
Target naman na maabot ang 90% herd immunity sa bansa sa unang quarter ng 2022.
Sa hulinng datos mula sa National Task Force against COVID-19, umabot na sa 35,838,964 doses ng bakuna ang naiturok sa buong bansa, kung saan mahigit 15 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID -19 habang 20.8 milyon namang ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico