Naabot na ng pamahalaan ang target nitong makapagturok ng mahigit isang milyong COVID-19 vaccine doses kada araw.
Ito’y makaraang lumobo sa 1,119,389 jabs ang naiturok sa mga Pilipino, nitong Huwebes, kumpara sa 932,762 doses noong martes at 948,521 noong Miyerkules.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dahil sa panibagong accomplishment, umabot na sa 62,474,334 ang nabakunahan kabilang ang 28,7 million na fully vaccinated sa bansa.
Kumakatawan anya ang bilang ng mga fully vaccinated sa 37.23 percent ng 110 million na populasyon.
Target ng gobyerno na maging fully vaccinated na ang 80% ng populasyon sa May 9, 2022 para maabot ang sinasabing herd immunity laban sa COVID-19. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Drew Nacino