Inanunsiyo ng National Vaccination Operations Center na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang maabot ang target nitong 77 million fully vaccinated bago matapos ang Duterte Administration.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sa ngayon ay nasa 68.7 million na mga Pilipino na ang fully vaccinated at kulang pa ito ng 8.3 million upang makamit ang target.
Binigyang-diin naman ni Cabotaje na sakaling hindi maabot ang target na 77 million ay kahit malapit-lapit lamang sa numerong ito ang maturukan ng bakuna kontra COVID-19 ang mabigyan ng bakuna hanggang Hunyo 30.