Ipinagmalaki ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na nahigitan nito ang P60-billion target sales para sa taong 2018 habang pinalalakas nito ang giyera laban sa illegal gambling sa bansa.
Ayon sa datos ng gaming, product development and marketing sector na pinamumunuan ni Assistant General Manager Arnel Casas, kumita ang PCSO ng higit sa P63.5 billion noong nakaraang taon.
Pahayag ni Casas, tumabo ang small-town lottery ng P26 billion gross sales na mas malaki kumpara sa P4.7 billion hanggang P5 billion sa kaparehong panahon noong 2017.
Magugunitang nagpalabas ng executive order no. 13 si Pangulong Rodrigo Duterte noong Feb. 2, 2017 kung saan pinalalakas nito ang kampanya laban sa iligal na sugal.