Mataas ang target na ibinigay sa Bureau of Internal Revenue ngayong taon.
Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na kailangan aniyang makakulekta sila ng buwis ngayong taon ng mas mataas ng 40% na kuleksiyon noong nakalipas na taon.
Aminado si Henares na hindi realistiko ang ibinigay na target sa kanila kayat kailangang magsumikap kung magagawa ito o hindi.
Sakali aniyang mabigo silang makamit ang target, ipapaliwanag nila kung bakit hindi ito realistiko .
Target ng BIR na makulekta ngayong taon ay P2.65 trillion.
BY: Aileen Taliping (Patrol 23)