Kayang maabot ang Infrastructure Spending Program sa taong ito.
Tiniyak ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman matapos maitala ang mababang target ng Infra Spending Program ng gobyerno nuong katapusan ng Setyembre.
Sinabi ni Pangandaman na bumagal ang spending sa unang anim na buwan ng taong ito dahil sa National Elections.
Wala na aniyang magiging aberya rito dahil nailabas na ng DOTr at DPWH ang mga pondo.
Batay sa datos nitong Setyembre, tumaas ng 13.4% ang infrastructure expenses ng halos P728-B mula sa dating P641.5-B na parehong buwan nuong 2021 kaya’t kahit tumaas ay mababa pa rin ng 4% sa halos P759-B na inilaang target ng gobyerno.
Una nang itinaas sa P1.2-T ang total infrastructure spending program sa taong ito na 7% mas mataas mula sa 2021.