Inamin ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na nasa 50%-60% ng populasyon ang kayang makakumpleto ng COVID-19 vaccine ngayong 2021.
Kumpara ito sa high-end target na 77 million na Pilipino o 70% ng populasyon na kailangan upang maabot ang herd immunity.
Sa kasalukuyan ay 27.3 million pa lang ang fully vaccinated habang 31.9 million na ang tumanggap ng unang dose.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t dapat pang mag-doble-kayod at maglatag ng mga bagong estratehiya ang mga local government sa kani-kanilang vaccination drive.
Noong isang linggo ay bahagyang bumilis ang vaccination rate sa bansa na pumalo sa average na higit kalahating milyong doses kada araw.
Gayunman, malayo pa rin umano ito sa target na makapagbakuna ng isa hanggang isa’t kalahating milyong doses kada araw. —sa panulat ni Drew Nacino