Ibinaba ng national government sa siyam na milyon mula sa dating 15 milyon ang target na bakunahan sa National Vaccination Drive kontra COVID-19 simula bukas hanggang December 1.
Ito ay ayon kay Acting Health Spokesperson, Dr. Beverly Ho, ay batay sa kanilang konsultasyon sa mga lokal na opisyal at dahil na rin sa logistical issues.
Nagkasundo anya silang magsagawa ng second round ng national vaccination drive mula December 15 hanggang 17 upang lalong mapataas ang bilang ng mga babakunahan.
Una nang inamin ng National Task Force Against COVID-19 at national vaccination operations center na ang kakulangan sa hiringgilya para sa MRNA-type vaccines, tulad ng Moderna at Pfizer, ang nag-udyok sa kanila na babaan ang target.
Ang target naman para sa ikalawang sigwada ng bakunahan ay naka-depende sa dami ng babakunahan sa unang bugso ng vaccination.—sa panulat ni Drew Nacino