Nalagpasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang target na koleksyon nito sa buwis noong nakaraang taon sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang pahayag, sinabi ni BIR Commissioner Caesar Dulay na pumalo sa P1.94-trilyon ang nakolekta nito noong nakaraang taon dahilan para malagpasan nito ang kanilang target na P1.69-trilyon na makolektang buwis.
Ibig sabihin, mas mataas ng 15.14% o P255.19-bilyon ang nakolekta ng BIR noong Enero hanggang Disyembre noong 2020.
Sa ngayon, ang nakolektang buwis ng ahensya noong 2020, ang itinuturing na pinakamataas na nakolektang buwis sa nakalipas na dalawang dekada.