Mas pabor ang gobyerno na magpatupad ng targeted subsidy sa halip na suspendihin ang Excise Tax sa oil products.
Ito, ayon kay Finance Undersecretary Paola Alvarez, ay dahil sa long-term negative impact ng suspensyon ng Fuel Excise Tax sa kita ng gobyerno at ekonomiya.
Kung tutuusin anya ay ang mga medyo naka-aangat sa buhay ang mayroong pinaka-malaking fuel consumption na aabot sa 48.8% habang ang mga nasa lower income households ay mayroon lamang 13.8%.
Aminado si Alvarez na mas pabor sa mga nasa higher income bracket kung sususpendihin ang Excise Tax sa langis.
Gayunman, masama ang magiging epekto nito sa gobyerno sa pamamagitan ng mababang tax collection, na maka-aapekto naman sa mahihirap dahil mababawasan ang pondo ng pamahalaan para sa social services program.
Sa ngayon ay dalawang bill sa kongreso ang nananawagan ng pansamantalang suspensyon ng Excise Tax sa mga produktong petrolyo.