Hinimok ng grupo ng mga magsasaka ang pamahalaan na magpatupad ng mga hakbang upang pigilan ang pagpapataw ng 17% tariff ng Estados Unidos sa mga kalakal ng Pilipinas.
Ayon sa Federation of Free Farmers, ang mas mataas na taripa ay makakasama sa sektor ng sakahan ng bansa dahil magreresulta ito sa mas mataas na halaga ng mga agricultural export nito.
Giit ng grupo na hindi dapat magpakakampante ang pamahalaan sa ipinataw ng reciprocal tariff kahit pa ang pilipinas ang pangalawang may pinakamababang rate sa mga trade partner ng US.
Kaugnay nito, binigyan-diin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior na sinusuri pa ng kanilang departmento ang epekto ng desisyon ng administrasyong Trump na magpataw ng 17% na taripa sa mga export ng Pilipinas sa US.—sa panulat ni Kat Gonzales