Planong taasan ng Department of Agriculture (DA) ang taripa sa pag-aangkat ng imported na bigas sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, tataas ng halos 35% ang kasalukuyang taripa.
Ito ay matapos bumaha ng imported na bigas sa merkado.
Aniya, sa ilalim ng rice tarrification law ay pwedeng tumaas, bumaba at rebisahin ang mga taripa at iba pang import duties para protektahan ang mga lokal na magsasaka.
Oras na maitaas ang taripa ay magmamahal na ang pagaangkat ng bigas at mabibigyan na ng pagkakataon ang mga lokal na magsasaka na maibenta ang kanilang ani sa mas mataas na halaga.
Matatandaang pumalo sa halos pitong piso kada kilo ang presyo ng lokal na bigas na isinisisi naman ng maraming grupo sa rice tarrification law.