Nanawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Meat Importers and Traders Association (MITA) na bawasan ang taripa sa pag-import ng karneng baboy sa susunod na limang taon.
Ayon sa MITA, magandang solusyon ito para makontrol ang patuloy na pagtaas ng inflation rate habang pinalalakas ang local agricultural products upang makamit ang food security ng bansa.
Umapela ang grupo sa pangulo na maglabas ng bagong executive order o eo at ibalik ang 5% na “import duty rates” sa mga baboy at 15% out quota sa loob ng limang taon.
Samantala, tiniyak naman sa publiko ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng baboy at karne ng manok sa bansa ngayong holiday season.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban, inaasahan ng ahensya na tataas pa ang produksyon ng baboy bago matapos ang taon kahit pa may mga napaulat na african wine fever sa ibang mga lalawigan sa bansa.