Pumanaw na sa edad na 58 si Tarlac 1st District Representative Carlos “Charlie” Cojuangco.
Kinumpirma ito ng kanyang pamilya sa isang social media post.
Ayon sa asawa nitong si China Jocson, lubos ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw nito at nagpapasalamat sila sa lahat ng nagdarasal para sa kanilang pamilya.
Sa ngayon ay wala pang kabuuang detalye kaugnay sa burol at magiging libing ng mambabatas.
Bago maging Representative ng first district ng Tarlac, nagsilbi rin si Cojuangco bilang representative ng fourth district ng Negros Occidental.
Nagsilbi rin ito bilang Chairperson ng House Committee on Flagship Programs and projects at vice chairperson ng Committee on Appropriations.