Nagdeklara na ang provincial government ng Tarlac ng outbreak ng Newcastle disease.
Ayon kay Provincial Veterinarian, Dr. Ma. Lorna Baculanta, tinatayang 12,600 manok na ang namatay dahil sa naturang sakit.
Ang newcastle o avian pest ay isang uri ng respiratory disease sa mga ibon na sanhi ng paramyxo virus.
Posible itong makahawa sa tao subalit hindi malaking banta sa kalusugan.
Bagaman wala pang lunas, maaari namang makabawas sa posibilidad ng pagkakaroon ng outbreak ang paggamit ng mga prophylactic vaccine at paglalatag ng sanitary measure.
By Drew Nacino