Bine-beripika na ng National Task-Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang sinabi ni presidential aspirant senator Panfilo Lacson na ilang mangingisda ang nawala sa lugar.
Ayon kay Hermogenes Esperon, Chairperson ng NTF-WPS, bagama’t walang ipinalabas na petsa si Lacson, mas maiging imbestigahan na ito.
Maliban kay Esperon, wala pa ring natatanggap na ulat hinggil dito si Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana.
Kahapon, nasa 678 foreign vessels ang namataan ng data provider na simularity na malapit sa Julian Felipe reef at 39 sa union banks. - sa panulat ni Abigail Malanday