Bumuo na ng special investigation task force ang Philippine National Police (PNP)-Pangasinan para tutukan ang imbestigasyon sa pananambang kay dating Pangasinan Governor Amado Espino.
Nasa ligtas nang kalagayan si Espino at apat na bodyguards nito matapos pagbabarilin sa Barangay Magtaking, San Carlos City, Pangasinan, samantalang nasawi naman ang isa pa nyang bodyguard na nakilalang si Richard Esguerra.
Narecover na rin ang dalawang getaway vehicles na ginamit ng mga salarin kasama ang ilang matatas na uri ng baril sa loob ng mga sasakyan.
Gayunman, ayon kay Lt. Col. Noel Pascua, hepe ng San Carlos City PNP , wala pa silang lead sa mga suspek at blangko pa rin sila sa motibo ng pananambang kay Espino.
Sa ngayon wala pa pong resulta ‘yung crime laboratory natin at ‘yon po ang inaantabayanan natin nang sa gano’n ay malaman kung ano talaga ang mga ginamit na armas at ma-determine kung may pagkapareho ba ng mga pattern doon sa ibang pagpatay,” ani Pascua. —sa panayam ng Ratsada Balita.