Binuo ng Philippine National Police (PNP) ang Task Force Kapayapaan para tumututok sa seguridad sa pinahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, ipapakalat ang may 4,000 pulis sa iba’t ibang mga lugar sa Metro Manila.
Ito ay dahil sa inaasahang mga kilos protesta na ilalarga ng mga militanteng grupo.
Pangungunahan ni NCRPO Officer in Charge Supt. Allen Bantolo ang task force habang si QCPD District Director Joel Pagdilao naman ang magiging ground commander sa Batasang Pambansa.
Pangungunahan naman ng Metro Manila Development Authority ang pagtututok sa trapiko.
By Rianne Briones