Bumuo ang Quezon City Police District (QCPD) ng isang special investigation task force para mag imbestiga sa kaso ng pananambang sa van ng aktress na si Kim Chiu.
Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, ilang imbestigador na ang kanilang ipinadala para kumuha ng mga ebidensya sa nasabing pananambang.
Kabilang sa iniimbestigahan ng otoridad ang mga natagpuang shell casings na nakita sa crime scene, bullet marks na tumama sa van ng aktres, maging ang mga CCTV footages na maaaring makapagturo sa mga kinaroroonan ng mga suspek.
Papunta ng taping ang aktress na si Kim Chiu Miyerkules ng umaga ng pagbabarilin ang kanyang sinasakyang van ng hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo.
Ligtas naman sa pananambang ang aktress maging ang kanyang assistant na si Mayrin Nasara at driver na si Wilfredo Taberna.
Blanko rin kay Kim Chiu ang motibo ng pamamaril lalo na’t wala syang kilalang nakaaway o nakaatraso niya.
I was so scared, I dont know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me?” ani Kim Chiu.