Maaring magkasa ng imbestigasyon ang task force Kontra Daya ng Comelec laban sa vote buying kahit wala umanong reklamong matatanggap ang ahensya.
Sa pahayag ni Commissioner George Garcia, magtatalaga ng mga tauhan ang kanilang ahensya bukas kung saan, kukuha sila ng kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Information Agency (PIA), Arm Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police para bantayan ang mga magtatangkang bumili o magbenta ng boto.
Sinabi ni Garcia na ang mga nabanggit na ahensya ang tututok o magbabantay sa mga reklamo sa insidente ng pamimili at bentahan ng boto. —sa panulat ni Angelica Doctolero