Bumuo na ng task force ang lokal na pamahalaan ng Makati na magmo-monitor sa kaso ng monkeypox cases sa lungsod at mapigilan ang pagkalat nito.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, responsable ang task force sa pagpapakalat ng impormasyon kung paano mapipigilan ang pagkalat ng fake news kaugnay sa monkeypox.
Pinaplano rin ni Binay na isama ang monkeypox data sa COVID-19 tracker, upang magamit sa pagdedesisyon kung magpapatupad ng granular lockdowns upang mapigilan ang community transmission.
Sa ngayon, bagaman wala pang kaso ng monkeypox sa Makati City ay patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa testing ng virus.