Nagpakalat na ang Presidential Task Force on Media Security ng mga “special agents” na muling mag-iimbestiga sa mga hindi pa nareresolbang kaso ng media killings sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, co-chairman ng task force, layunin nito na mabigyan ng hustisya at matigil na ang mga nangyayaring pagpatay sa mga mamamahayag.
Patunay din aniya ito na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na maresolba ang media killings sa bansa.
Una rito, binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kanyang unang SONA na hindi niya hahayaan ang karahasan at pagsupil ng kalayaan sa media.
—-