Bumuo na ng task force ang National Telecommunications Office (NTC) para i-monitor ang pagpapatupad ng sim card registration sa bansa.
Kasunod ito ng pagkakatala ng mga glitches sa unang araw ng pagpaparehistro nito kahapon, Disyembre 27.
Ayon kay Jon Paulo Salvahan, Deputy Commissioner ng NTC, matatagpuan ang task force sa central at regional offices kung saan ilang opisyal ng NTC, ang magsisilbing coordinating focal persons.
Pagdating naman sa mga lalawigan na mayroong mahinang signal, sinabi ni Salvahan na isang ad hoc committee ang bubuuin para bantayan ang isyu.