Binuwag na ng Philippine National Police o pPNP ang Counter-Intelligence Task Force o CITF na siyang tumututok at gumagawa ng mga operasyon laban sa mga tiwali at abusadong pulis.
Sa isang resolusyon na inaprubahan ng National Police Commission o NAPOLCOM, binuo naman ang Integrated Monitoring and Enforcement Group o IMEG na siyang ipapalit sa CITF.
Ayon kay PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, tututukan ng IMEG ang pagsasagawa ng intelligence build-up at law enforcement operations laban sa mga PNP personnel na sangkot sa iba’t ibang krimen.
Sinasabing si Col. Romeo Caramat Jr. ang magiging officer-in-charge ng IMEG kasama si Lt. Col. Ariel Red bilang deputy group commander for administration.