Bumuo na ng special investigation task force ang Phil. National Police (PNP) na siyang tututok sa kasong pagpatay kay Trece Martires City Assistant Prosecutor Edilbert Mendoza.
Ayon kay Calabarzon police director Brig. Gen. Eliseo Cruz, pangungunahan nina regional deputy director for operations Col. Gerardo Umayao at chief of the regional staff Col. Edwin Quilates ang imbestigasyon sa tulong ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at intelligence unit, kasama sina Col. Noel Nuñez at Cavite police chief Col. Arnold Abad.
Sa imbestigasyon, nag-eehersisyo si Mendoza sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Cabuco sa Trece Martires nang barilin sa ulo nang malapitan ng gunman bago mabilis na tumakas.
Isiniwalat ni Abad na kabilang sa mga tinututukan nilang motibo o anggulo sa pagpatay ay ang trabaho ni Mendoza bilang piskal, land dispute, at personal grudge o alitan.