Pasok na ang NBI o National Bureau of Investigation sa imbestigasyon kaugnay ng pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.
Kasunod ito ng inilabas na kautusan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bumuo ang NBI ng isang team na magsasagawa ng “parallel investigation” hinggil sa pagpatay sa alkalde.
Naniniwala si Guevarra na malaki ang maitutulong ng NBI sa PNP o Philippine National Police para sa agarang ikalulutas ng kaso.
Kahapon, bumuo na ang PNP ng special investigation task group na tututok sa pagpatay kay Halili.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, pangungunahan ng Deputy Regional Director for Operation ng PNP CALABARZON ang naturang task force.