Bumuo ang Deparment of Justice (DOJ) ng task force na tututok sa mga kasong may kinalaman sa price fixing at cartel.
Ayon kay DOJ Secretary Leila de Lima, layon ng naturang grupo na tutukan ang mga kasong laban sa mga mapanirang mga business conduct.
Binubuo Task Force on Anti-Competitive Agreement and Cartels ng limang member mula sa National Prosecution Service, Office of the Chief State Council at Office for Competition.
Kabilang sa nahawakan nang kaso ng grupo ay ang umano’y cartel sa sibuyas at bawang gayundin ang hirit na P4.5 pesos na power rate increase ng MERALCO na nakabinbin pa rin ngayon sa Supreme Court.
By Rianne Briones