Bilang bahagi ng preparasyon para sa halalan 2022, magtatatag ang Department of Education ng Election Task Force (ETF) Operation at Monitoring Center, batay sa DEPED Memorandum 10, series of 2022.
Ang 2022 DEPED–ETF Operation and Monitoring Center ay itatayo sa bulwagan ng karunungan, DEPED Central Office, Pasig City simula ala una ng hapon sa Mayo a–otso hanggang ala singko ng hapon sa Mayo a-diyes.
Kabilang ang DEPED sa mga national agencies na itinalaga ng COMELEC upang tiyaking malaya, maayos, tapat, mapayapa at kapani-paniwala ang halalan.
Ito’y sa pamamagitan ng pag-a-appoint sa mga public school teacher na magsisilbing chairpersons at miyembro ng election board at technical support personnel.
Samantala, itinalaga naman si DEPED Undersecretary Alain del Pascua bilang Chairman at Undersecretary Revsee Escobedo bilang Vice Chairman ng DEPED – ETF Operations and Monitoring Center.