Nagdagdag na ng mas maraming patrol vessel ang Task Force Pag-Asa ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.
Ito ay bilang tugon sa panibagong insidenteng naitala sa Ayungin shoal na parte ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, kung saan ilang mangingisdang pinoy ang tinaboy umano ng Chinese Coast Guard.
Ayon sa PCG, nais nilang mapanatiling ligtas ang mga pilipinong nangingisda sa lugar na walang kalaban-laban sa pambu-bully ng china.
Una rito, sinabi ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista at PCG commandant admiral Artemio Abu, na patuloy nilang susundin ang rules-based approaches sa pagtiyak ng seguridad ng EEZ ng bansa.
Iniimbestigahan na rin ng PCG at AFP western command ang insidente para malaman kung anong tunay na nangyari.