Bumuo na ang MPD o Manila Police District ng special task group na mag-iimbestiga sa pagpaslang kay PO3 Erickson Peralta.
Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, ang nabanggit na special task group ay binubuo ng apat na team na magsisimula nang mangalap ng mga dokumento at testigo sa naturang krimen.
Noong Biyernes, pinagbabaril si Peralta ng isa sa anim na lalaking angkas sa tatlong motorsiklo sa Ermita, Maynila.
Nagtamo ang biktima ng anim na tama ng bala sa ulo, mukha, panga at braso mula sa kalibre 45 baril.
By Meann Tanbio | Report from: Aya Yupangco (Patrol 5)