Nilinaw ng Sub Task Group for the Repatriation of Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naunang anunsyo hinggil sa home quarantine para sa mga uuwing overseas Pinoys sa Pilipinas.
Una nang inihayag ng task group na ang OFWs, Pinoy seafarers at overseas Filipinos na darating sa NAIA simula sa ika-1 ng Hunyo ay sasailalim na lamang sa home quarantine matapos makuhanan ng swab test.
Sa inilabas na bagong anunsyo, inabisuhan ang lahat ng repatriated OFWs at non-OFWs na kailangan pa ring sumailalim sa mandatory quarantine sa quarantine facility o hotel na accredited ng Bureau of Quarantine hanggang hindi pa napapasakamay ang RT-PCR test results na nagsasabing negative sila sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).