Nais buhayin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang task group na siyang tututok sa pagtugon sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Ayon kay DSWD USec. Felicisimo Budiongan ng Disaster Response Management Group, tututukan ng task group ang paglalatag sa mga karagdagang food at non food items gayundin ang pagpapakalat ng quick response teams.
Sa kasalukluyan, sinabi ni Budiongan na nakapaghatid na ang DSWD ng dagdag na 3, family food packs sa Batangas Sports Complex.
Habang nasa 2,000 hygiene kits naman ang naipadala sa Canyon Woods na nasa bayan ng Laruel.