Nagkakasa na ng forum ang Presidential Communications Operations Office at cabinet clusters ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang tinaguriang Tatak ng Pagbabago Forum na itinakda sa July 6 sa PICC ay para ipatikim o ibida sa publiko ang mga naging accomplishment ng administrasyon bago ang mismong State of the Nation Address sa July 23.
Ang naturang forum ay pangungunahan ng anim na cabinet clusters ng Pangulo.
Unang itatampok sa July 6 ay ang Tatak ng pag Unlad na pangangasiwaan nina Finance Secretary Carlos Dominguez at DPWH Secretary Mark Villar para sa usapin ng Economic and Infrastructure Cluster.
Kasunod nito ang Tatak ng Malasakit sa July 11 na panganagsiwaan nina Dilg OIC Eduardo Anio at DSWD Acting Secretary Virginio Orogo.
Ikatlong forum ay ang Tatak ng Katatagan na pangungunahan nina DENR Secretary Roy Cimatu at Defense Secretary Delfin Lorenzana ng resiliency cluster.