Kinamulatan na ng 45-anyos na si Melanie Delfin ang pamamanata sa Our Lady of Peñafrancia o “Ina” para sa mga deboto nito.
Tubong Naga City si Melanie at sa murang edad ay nakita niya ang matinding debosyon ng kanyang ama rito.
Kuwento ni Melanie, maliit pa man ay sakitin na ang kanyang ama.
Kaya naman namanata ang kanyang lola noon kay “Ina” para mapagaling ang kanyang ama.
Nang magkaroon na ng isip ay namanata na rin ang kanyang ama hanggang sa ito ay nagka-pamilya.
Hindi malilimutan ni Melanie na palagi siyang kasa-kasama ng kanyang ama sa tuwing pumapasan ito sa pista ng Ina ng Peñafrancia.
Bago aniya pumanaw ang kanyang ama sampung taon na ang nakaraaan, nagbilin ito kay Melanie na may dapat magpatuloy sa kanilang pamilya ng pamamanata kay Ina.
Dito na inako ni Melanie ang responsibilidad na ipagpatuloy ang debosyon ng kanyang ama at ngayon nga ay limang taon na siyang pumapasan at nakikipagbuno sa dagat ng mga tao tuwing kapistahan ng Ina ng Peñafrancia.
Si Melanie Delfin, deboto ng Ina ng Peñafrancia, bilang pasasalamat sa maraming biyayang naipagkaloob ni Ina sa kanilang pamilya, nagpatato si Melanie ng Imahe ni Our Lady of Peñafrancia sa kanyang binti
“Everytime na naiiyak… everytime na nalulungkot… everytime na may problema ako, si Ina [ang takbuhan ko]. Palagi akong si Ina… kaya gusto ko nasakin lang siyang palagi” Ani Melanie
Imahe ng Ina ng Peñafrancia na ipinatato ni Melanie
Ang iba pang kuwento ng himala at pananampalataya, abangan sa aming “Siyasat: Haplos ng Himala” Marso 24 sa ganap na 7 – 8 ng umaga.