Maaaring kakaunti na lamang ang tatamaan ng severe case ng COVID-19 sakaling mangyari ang surge na may kaugnayan sa nagdaang eleksyon.
Ito ang inihayag ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvaña, kahit anya umabot sa libo-libo ang maidagdag na kaso ng virus ay hindi na gayung karami pa ang kakapitan ng severe cases.
Dahil na din ito sa aniya’y mataas na antas ng pagbabakuna sa bansa hindi kagaya nuong nakaraang taon na wala aniyang immunity ang populasyon.
Sinabi pa ni Salvaña na kahit makalusot sa mga taong hindi pa nagpapa-booster shot laban sa virus kaya pa din maiwasan ang severe case gayung mayron namang gamot sa COVID gaya ng Paxlovid at Remdesivir.
Naniniwala rin si Salvaña na hindi na din ibabalik pa ang lockdown sa bansa.