Tanging ang pag-disarma, pagbuwag, at pagpaslang lamang sa Magahat-Bagani militia ang tatapos sa ligalig at karahasan sa hanay ng mga Lumad at iba pang indigenous people.
Ito binigyang diin ni Surigao del Sur Governor Johnny Pimentel sa gitna ng kaguluhan sa lalawigan na nagiging dahilan upang maglayasan sa kani-kanilang komunidad ang mga katutubong Lumad.
Giit niya, hindi na umiiral ang pagsunod sa batas at kaayusan dahil tila iniisip ng mga militia na nangingibabaw sila sa batas.
Kinontra rin ni Pimentel ang pahayag ng militar na hindi ito ang nag-organisa ng paramilitary group dahil nakikita umano ang mga ito sa kanilang mga kampo.
Halos 3,000 evacuees na pawang mga manobo ang lumikas na sa Tandag City mula sa ilang bayan ng Surigao del Sur dahil sa umano’y panggugulo ng paramilitary group.
By Jelbert Perdez