Bumaba na ang ama ni Britney Spears bilang conservator nito para sa properties ng anak.
Ikinatuwa naman ito ng kampo ni Britney.
Naniniwala ang mga taga-suporta ni Britney na maraming rason kung bakit bumaba si Jamie Spears sa pagiging conservator ng pop star.
Kabilang na aniya rito ang matinding pressure at social media attacks mula sa fans ni Britney.
Depensa naman ni Mr. Spears, hinawakan at kinontrol niya ang mga ari-arian ng mga anak dahil sa aniya’y abusadong paggamit ng singer at karelasyon nito sa mga naipundar ng anak.
Itinuturing din ng ama na “mentally unwell” si Britney, kaya hindi ito kumpiyansa sa kaniyang anak pagdating sa pangangasiwa ng mga property nito.