Patay ang tatlo katao habang ilang indibidwal ang nasa ospital matapos kumain sa isang family gathering ng sinasabing Christmas cake na may arsenic sa Brazil.
Ayon sa mga awtoridad, nananatili sa ospital ang babaeng gumawa ng cake kasama ang 10-year-old nitong anak na kumain rin ng nasabing cake.
Batay sa ulat, nagkakasundo at walang alitan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya at sa babaeng gumawa ng cake.
Dagdag pa ng mga awtoridad, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa insidente at hinihintay na lamang ng mga pulis na umayos ang kondisyon ng gumawa ng cake upang tanungin ito.
Sa kasalukuyan, wala pang isinasampang kaso laban sa babae. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo