Arestado ang tatlong katao habang nailigtas ang tatlo pang babae matapos salakayin ng mga otoridad ang isang sex den sa Nueva Vizcaya.
Kinilala ang mga suspek na sina Jualita Morales, 40 anyos; Paul Butal Jr., 47 anyos, at Ashley Santos 20 anyos.
Habang ang tatlong babaeng nasagip sa operasyon ay hindi pinangalanan.
Ayon kay Police Major Jesus Ventura, Hepe ng BayomBong Police, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa ginagawang pambubugaw ng mga suspek sa ilang kababaihan na dinadala sa isang boarding house na ginagawang sex den.
Nakakulong na at sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek. —sa panulat ni Kim Gomez