Tatlo ang kumpirmadong patay habang dalawang iba pa ang nasagip matapos gumuho ang parte ng isang gusali na dine-demolish sa Ermita, Maynila.
Kinilala ang mga nasawi na sina Richard Bugarin, Joseph Lacsa, at Jomar Torillos habang isinugod sa Philippine Orthopedic Center naman sina Aron Eleutrio at Airold Sidro.
Ayon kay Lt. Col. Evangeline Cayaban, hepe ng Manila Police District Station 5, bigla na lamang gumuho ang basement at unang palapag ng PhilAm Life building sa lugar.
Samantala, nagbabala naman ang Homicide Section ng MPD na maaaring mapanagot ang contractor at subcontractor ng demolition team na hanggang ngayon ay walang inilalabas na pahayag ukol sa nasabing insidente.
CSSR:
Collapsed Structure Search and Rescue Operations are ongoing in a demolition site in Ermita, Manila when 5 workers…Posted by Manila DRRM Office on Saturday, 20 March 2021