Patay ang tatlo katao sa isinagawang raid ng mga pulis sa bahay ng mga nagkakanlong sa mga militanteng pinaghihinalaang utak ng pambobomba sa isang sasakyan ng mga pulis sa Jordan.
Ayon kay Jumana Ghu-Nai-Mat, tagapagsalita ng gobyerno ng Jordan, tumanggi ang mga suspek na sumuko sa mga otoridad kaya napilitan ang mga pulis na pasukin ang gusali kung saan nagtatago ang mga ito.
Una nang itinuro ng mga pulis ang isang gas canister na dahilan ng pagsabog noong nakaraang linggo na malapit sa venue ng isang music festival sa bayan ng Fuheis.
Nabatid na matagal nang target ng mga radical Islamist ang Jordan, na kaalyado ng Estados Unidos at may peace treaty sa Israel.