Tatlong indibidwal ang nasawi kabilang ang hinihinalang gunman sa pamamaril sa British Columbia, Canada.
Ayon sa mga otoridad, pinaniniwalaang mag-isa lamang ang suspek nang mamaril ito sa magkakaibang lugar sa siyudad ng Langley.
Isang babae naman ang nasugatan sa insidente na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.
Sinabi naman ni Chief superintendent Ghalib Bhayani ng Regional Royal Canadian Mountain Police Force, na patuloy nilang iniimbestigahan ang serye ng pamamaril sa lugar.