Patay ang tatlo katao sa sunog sa isang supermarkert sa Chile.
Sa gitna na rin ito ng umano’y tumitinding protesta laban sa gobyerno dahil sa planong pagtaas sa pasahe sa public transport.
Dahil sa protesta na nagsimula noon pang isang Lunes nagpatupad ng curfew sa buong Santiago City ang militar.
Una nang inanunsyo ni Chilean President Sebastian Piniera na isususpindi na ang planong pagtaas sa pasahe.
Gayunman tuloy pa rin ang mga kilos protesta kung saan halos 200 katao ang naaresto at 60 pulis ang nasugatan.
Ang insidente ay kinundena ni Piniera at idineklara ang state of emergency.