Arestado ng mga otoridad ang tatlo sa apat na shoplifter sa isang grocery sa Tanay, Rizal.
Kinilala ang mga nadakip na sina Alberto Salas y Marta, 53 years old; Joan Marcaida y Santos, 46 years old at Adelisa Paz y Boizon, 61 years old habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan na kinilalang si Amor, 51 years old.
Nabatid na pumasok ang mga suspek at nagpanggap na customer sa Michanmar Minimart sa JP Rizal Ave., Sampaloc, Tanay at agad na nanguha ng mga assorted grocery saka isa-isang lumabas nang hindi binayaran sa counter ang good items.
Agad na humingi ng tulong sa mga security guard sina Anna Marie Mago at witness na si Joan Lasay at narekober sa tatlo ang mga ninakaw na grocery items na nagkakahalaga ng mahigit P1K.
Ayon sa mga otoridad, modus na ng mga suspek ang dumayo sa mga probinsiya mula sa Caloocan at Malabon para makapambiktima.
Nakakulong na ang mga suspek at sinampahan na ng kasong Theft sa Korte. —sa panulat ni Angelica Doctolero