Sumampa na sa tatlo ang naitalang nasugatan sa sunog sa itaas ng Trump Tower sa Manhattan, New York City.
Kabilang sa mga nasugatan ang isang bumbero na agad na isinugod sa ospital at dalawang nagtatrabaho sa gusali na nakakuha ng minor injuries.
Batay sa tweet ng anak ni President Donald Trump na si Eric Trump, isang maliit na electrical fire sa cooling tower na nasa roof top ng gusali nagsimula ang sunog.
Kasabay nito pinasalamatan at pinuri din ni Eric Trump ang bumbero mula sa New York Fire Department dahil sa mabilis na pagresponde.
—-