Handang magbigay ng libreng sakay ang tatlong mga dambuhalang airline company sa Pilipinas sa sandaling umarangkada na ang paglilikas sa mga manggagawang Pilipino na apektado ng gulo sa gitnang silangan.
Ito ang resulta ng isinagawang pagpupulong ng iba’t-ibang kagawaran tulad ng national defense, labor and employment, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng Department of Transportation (DOTr).
Batay sa inilabas na pahayag ng CAAP, nangako ang mga dambuhalang airline company tulad ng Philippine Airline, Cebu Pacific at Air Asia na magkaloob ng libreng sakay sa mga Pinoy na posibleng maistranded sa Middle East pauwi ng Pilipinas.
Gayunman, tanging ang Air Asia lamang ang nangako ng libreng sakay para sa mga distressed OFW’s mula sa Middle East patungo naman sa kani-kanilang probinsya paglapag ng eroplano nila sa Maynila.