Umapela si Cagayan De Oro City, 2nd district representative Rufus Rodriguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na punan na ang tatlong nabakanteng posisyon sa Commission on Elections (Comelec), ngayong papalapit na ang Halalan.
Giit ni Rodriguez, kailangan ngayon ng Comelec ang lahat ng tulong upang masiguro ang tapat, payapa at maayos na pagboto sa darating na eleksyon gayundin ang pagsubaybay at pagtitiyak na nasusunod ang mga patakaran sa pangangampanya.
Aniya, mas mainam na mayroong sapat na kaalaman sa batas at teknolohiya ang magiging tatlong bagong komisyoner ng Comelec at walang bahid ang rekord ng serbisyio sa publiko o pribadong sektor.
Dagdag ng kongresista, hindi dapat hayaang bigyan ng dahilan ang Comelec sa maaaring maging pagkukulang o pagkakamali nito sa nalalapit na eleksyon.—mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)