Patay ang tatlong bata matapos ma-suffocate sa loob ng isang sasakyan sa Barangay Calungusan, Orion, Bataan.
Kinilala ang mga biktimang magpipinsan na sina Agatha Morales, siyam na taong gulang, Shamel Alghela Morales, walong taong gulang at Pauline Keziah Morales, anim na taong gulang.
Ayon sa ama ng isa sa mga biktima, kaniyang ipinarada ang kaniyang sasakyan bandang alas 4:00 ng hapon malapit sa kanilang bahay.
Ngunit nang bumalik ito sa kaniyang sasakyan alas 8:00 ng gabi ay natagpuan na niyang walang malay ang mga bata.
Agad naman itinakbo sa pinakamalapit na ospital ang tatlo ngunit idineklara na itong dead on arrival.